Tuesday, September 8, 2026

Pagpapalakas sa mga hakbang laban sa bullying at karahasan sa mga paaralan, tiniyak ng DepEd

Patuloy na pinapalakas ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad sa Anti-Bullying Law at iba pang mga hakbang para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Inihayag ito ni Education Secretary Sonny Angara sa pagsalang sa House Committee on Appropriations ng P975.96-billion na panukalang budget ng DepEd para sa for 2027.

Ayon kay Angara, maraming programa ang DepEd alinsunod sa Anti-Bullying law tulad ng pagtatag ng mga Child Protection Committees sa 36,000.

Binanggit ni Angara na pinag-iibayo din nila ang pagkuha ng mga school counselor associates alinsunod sa Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act.

Tugon ito ni Angara sa tanong ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña kung ano ang mga ikinasang hakbang ng DepEd kasunod ng naitalagang karahasan sa ilang paaralan bukod sa pagturing sa Pilipinas bilang Bullying Capital of the World.

Facebook Comments