
Iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-angat ng performance ng mga Pilipinong mag-aaral sa reading, mathematics at science, batay sa pinakahuling resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA).
Ayon kay Pangulong Marcos, muling umabot ang Pilipinas sa Level 2 sa reading proficiency at kabilang sa mga bansang may pinakamabilis na pag-unlad sa education system.
Para sa Pangulo, patunay ito ng sipag ng mga mag-aaral at husay ng mga guro, lalo na kapag may sapat na suporta mula sa gobyerno, magulang at komunidad.
Tiniyak ni Marcos na magpapatuloy ang mga hakbang ng pamahalaan para higit pang maiangat ang kalidad ng edukasyon.
Facebook Comments










