
Hindi man idineklara bilang holiday sa bansa ay ipinagdiriwang pa rin ng mga kasama nating Muslim ang Isra Wal Miraj o The Night Journey and Ascension of Prophet Muhammad.
Ang nasabing Isra Wal Miraj ay ipinagdiriwang ngayong araw sa Cuneta Astrodome sa Pasay City mamayang alas-8 ng umaga.
Ito ang kauna-unahang grand assembly ng mga kasamahang Muslim mula sa Al-Khidmah Foundation Inc., isang organisasyon ng mga kasamahang Muslim mula sa Quiapo.
Kaabit nito, hindi lang Isra Wal Miraj ang ipinagdiriwang ng grupo kundi ay ang kanilang faith and community service para sa lahat ng miyembro; Islamic lectures sa umaga at community service sa hapon.
Ilan sa mga Muslim leaders ang magsasalita sa event na ito.
Inaasahan din ang pagdalo ni Senator Robin Padilla, ngunit wala pang kompirmasyon.