Malabon LGU, nababahala sa sunod-sunod na insidente ng pagnanakaw ng kawad ng kuryente

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Malabon ang lahat ng residente na agad na isumbong sa mga awtoridad sakaling makakita ng insidente ng pagnanakaw ng kuryente sa buong lungsod.

Ito’y kasunod ng natatanggap na ulat ng Malabon LGU hinggil sa sunod-sunod na serye ng pagnanakaw ng kawad ng kuryente sa mga pangunahing kalsada at mga kalye sa bawat barangay.

Dahil dito, nagiging madilim ang ilang kalsada bunsod ng walang ilaw sa mga poste at nadadamay pa ang ilang mga signages o mga paalala sa mga motorista.


Kaugnay nito, hinihingi ng lokal na pamahalaan ang kooperasyon ng mga residente upang agad na mahuli ang mga gumagawa nito.

Muli ring ipinapaalala na ang ganitong uri ng iligal na gawain at may karampatang multa o pagkakakulong sakaling mahuli.

Inatasan naman ang Malabon Police na mas paigtingin pa ang pagbabantay, pagmo-monitor at pag-iikot gayundin ang bawat opsiyal at tanod ng barangay.

Facebook Comments