Amang nang-hostage sa kanyang anak, nakatakdang sampahan ng patong-patong na kaso ngayong araw

Patong-patong na kasong kriminal ang inihahanda ngayon ng Taytay, Rizal Municipal Police Station laban sa isang ama na nang-hostage sa kanyang sariling anak noong Sabado sa C6 Brgy. Sta Ana Bayan ng Taytay na nagdulot ng matinding trapiko at tensyon sa maraming tao sa naturang lugar.

Makalipas ang mahigit tatlong oras na negosasyon nina Rizal Police Provincial Dir. Col. Felipe Maragun at Taytay PLtCol. Marlo Solero, boluntaryong sumuko ang hostage taker.

Ayon kay PCol. Maraggun, inihahanda na ang kasong rape, possession of bladed weapon, alarm and scandal at marami pang ibang kaso ang isasampa ng pulisya sa Taytay City Prosecutor’s Office.

Paliwanag pa ni Maraggun, isinama na rin ang kasong rape dahil sa alegasyon ng misis ng suspek na ginahasa umano nito ang sarili niyang anak.

Matatandaan na araw ng Sabado ay nagkaroon ng tensyon sa isang kalsada sa C6 Road matapos na sunggaban at gawing hostage ng suspek ang kanyang sariling anak na napasuko lamang matapos ang mahigit na tatlong oras na matiyak ang negosasyon ng nabanggit na mga opisyal.

Facebook Comments