Thursday, June 25, 2026

14-taong gulang na babaeng nagpaplano ng mass shooting at stabbing sa isang eskwelahan sa Leyte, avid fan ng larong GoreBox —SILG Remulla

Avid fan ng larong Gorebox, ito ang ibinahagi ni DILG Secretary Jonvic Remulla kaugnay ng 14 na taong gulang na babaeng nagpaplano ng mass shooting at stabbing sa Tolosa National High School sa Leyte.

Nabatid na ang larong Gorebox din ang nag-impluwensya umano sa 14 na taong gulang na lalaki na nagsagawa ng pamamaril sa loob naman ng eskwelahan ng Tacloban City na nagresulta sa pagkakasawi ng 3 estudyante at pagkakasugat ng 20 iba pa.

Dahil dito ay nagbabala si Remulla sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak lalo na at delikado ang nasabing laro na ito.

Samantala, ayon pa kay Remulla, posibleng naimpluwensyahan din ang nasabing menor de edad sa nangyaring shooting incident sa Tacloban City.

Kaugnay nito, dinala ang nasabing 14 na taong gulang na babae sa DSWD at ibinalik sa kanyang pamilya dahil hindi naman ito pwedeng kasuhan.

Sakali na matuloy ito, ito sana ang kauna-unahang mass shooting incident sa Pilipinas.

Facebook Comments