
Nahuli ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang 31 taong gulang na lalaking isang fish vendor sa Brgy. 175.,Caloocan City, kahapon.
Ang nasabing naarestong indibidwal ay ang No. 8 most wanted person sa regional level sa ilalim ng National Capital Region (NCR) Police Office.
Siya ay naaresto para sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong 3 counts ng statutory rape na walang rekomendang pyansa.
Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa bahay ng nasabing suspek na nagresulta sa kanyang mapayapang pagkakaaresto.
Siya ay dinala sa CIDG Northern DFU office para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Facebook Comments










