Wednesday, June 24, 2026

Makabayan bloc, naghain ng resolusyon sa Kamara upang imbestigahan ang impormasyong wala na sa NBP si dating General Jovito Palparan

Nais paimbestigahan ng Makabayan bloc sa Kamara impormasyong wala na umano sa maximum security prison sa New Bilibid Prison si dating General Jovito Palparan.

Naghain ng resolusyon ang Makabayan bloc upang imbestigahan ang nakuhang impormasyon.

Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Renee Co, ipapatawag nila ang mga opisyal ng Bureau of Correction (BuCor) para pagpaliwanagin.

Si Palparan na tinaguriang “The Butcher” noong panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay hinatulang mabilanggo ng hanggang 40 taong pagkakabilanggo dahil sa pagdukot sa dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP) na sina Sherlyn Cadapan at Karem Empeño noong 2006.

Ani Co, nakababahala ang impormasyon dahil hindi pa napagsisillbihan ni Palparan ang kaniyang sentensya.

Facebook Comments