Saturday, May 30, 2026

FISH CAGES, IPINAGKALOOB SA MGA MANGINGISDA SA SAN NICOLAS

Nakatanggap ng fish cages ang mga piling mangingisda sa bayan ng San Nicolas sa isinagawang distribution program ng lokal na pamahalaan noong Mayo 8.

Katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng programa ang Department of Agriculture–Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) at Tanggapan ng Kongreso.

Bahagi ang naturang inisyatibo ng mga hakbang upang mapalakas ang aquaculture industry sa bayan at mabigyan ng dagdag na kabuhayan ang mga lokal na mangingisda.

Ayon sa pamahalaang lokal, inaasahang makatutulong ang pamamahagi ng fish cages sa pagpapataas ng produksyon sa pangisdaan at sa pagpapabuti ng kabuhayan ng mga benepisyaryo sa komunidad.

Facebook Comments