LIBRENG BIGAS, IPINAMAHAGI SA MGA BIKTIMA NG TYPHOON UWAN SA MANAOAG

Tumanggap ng tig-lilimang kilong bigas ang mga residenteng naapektuhan ng Typhoon Uwan sa isinagawang relief distribution ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Manaoag.

Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang pamamahagi noong Mayo 21, matapos isailalim sa beripikasyon ang mga benepisyaryo upang matiyak na maayos na maipamahagi ang ayuda.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nagmula ang pondong ginamit sa pamamahagi mula sa ₱250,000 cash assistance na ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Makati para sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo noong Nobyembre 2025.

Bahagi umano ng hakbang ang pamamahagi ng ayuda upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilyang patuloy na bumabangon mula sa epekto ng kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments