
Cauayan City – Malaking benepisyo para sa mga residente ng Burgos, Isabela ang itinayong Siffu River Flood Control Project, na naglalayong maiwasan ang pagbaha at pagguho ng lupa sa lugar.
Ang proyekto, na may habang 836 lineal meters, ay pinondohan ng P96.4 milyon sa ilalim ng 2024 DPWH Regular Infrastructure Program.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, batay sa ulat ni DPWH Region II OIC-Director Mathias L. Malenab, ang imprastrakturang ito ay bahagi ng adbokasiya ng kasalukuyang administrasyon na palakasin ang kakayahang harapin ang kalamidad, pagbutihin ang imprastruktura, at suportahan ang napapanatiling pag-unlad ng agrikultura.
Ang flood control project ay nakadisenyo upang patatagin ang ilog at protektahan ang mga kalapit na ari-arian, na isang mahalagang hakbang sa pagpapanatili ng seguridad at kaunlaran sa rehiyon.