COFFEE FESTIVAL, NAKATAKDANG ISAGAWA SA LALAWIGAN NG NUEVA VIZCAYA

CAUAYAN CITY – Nakatakdang maglunsad ang Provincial Local Government of Nueva Vizcaya ng kauna-unahang Coffee Festival sa kanilang lalawigan katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI).

Ang nasabing selebrasyon ay bilang pagsusulong ng industriya ng kape at magaganap ito sa buwan ng Mayo ngayon taon bilang bahagi ng 16th Annual Grand “Ammungan” (Gathering).

Ibinahagi rin ni DTI acting Provincial Director Ramil Garcia na ibabandera ang iba’t ibang variety ng coffee products mula sa mga bayan ng lalawigan.

Bukod dito, itatampok rin sa nasabing pista ang market place kung saan ibebenta at maaaring makabili ng mga produktong kape.

Magkakaroon din ng workshops para sa mga coffee farmers at shop owners para mabigyan sila ng mga mahahalaga at karagdagang kaalaman sa pagnenegosyo.

Samantala, isa ang lalawigan ng Nueva vizcaya bilang key coffee producer sa buong Rehiyon Dos partikular na sa mga bayan ng Ambaguio, kasibu, Kayapa, Sta. Fe, at Alfonso Castañeda.

Facebook Comments