
Nananawagan si House Assistant Minority Leader at Akbayan Party-List Rep. Chel Diokno sa administrasyon na maglatag ng kongkrestong mga hakbang kung paano tutugunan ang bumabagsak na halaga ng piso.
Ayon kay Diokno, hindi pwedeng puro payo lang sa mamamayan ang maibibigay ng gobyerno.
Sinabi ito ni Diokno makaraang umabot na kamakailan sa 64 pesos ang katumbas ng kada US Dollar.
Diin ni Diokno, ang hinihintay ng taumbayan ay ang mabilis na pagkilos ng pamahalaan para mabawasan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at mahinang halaga ng piso.
Paliwanag ni Diokno, ang paghina ng piso ay higit na nararamdaman sa pang-araw-araw na buhay ng ordinaryong mga Pilipino na ang kita ay kapos para sa tumataas na presyo ng mga bilihin.
Facebook Comments










