FLOOD CONTROL PROJECTS SA LAOAC, SINURI BILANG PAGHAHANDA SA TAG-ULAN

Ininspeksyon ng lokal na pamahalaan ang mga flood control structures sa Laoac, Pangasinan partikular sa mga barangay ng Nanbagatan at Banuar bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan.

Ayon sa ulat, sinuri ang kalagayan ng istraktura sa kahabaan ng ilog sa Brgy. Nanbagatan na nagsisilbing panangga laban sa pag-apaw ng tubig.

Tinignan ang kondisyon ng mga pasilidad para masiguro ang paggamit nito sa posibleng pagbaha.

Samantala, ininspeksyon din ang isinasagawang desilting ng Bacolao Creek sa Brgy. Banuar para naman sa maayos na daloy ng tubig sa lugar.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nilinis at hinukay ang daluyan ng tubig dahil sa pagbara na nagdudulot ng pagbaha.

Kaugnay nito, kabilang sa mga kadalasang flood control projects sa bayan ay ang revetments, bank protection at reinforced structures sa mga ilog ng Aloragat at Tagamusing katuwang ang DPWH para sa kahandaan sa posibleng pagbaha sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments