LIVELIHOOD AID PARA SA MANGINGISDA SA AGNO, IPINAMAHAGI

Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Agno, katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region I, ng livelihood assistance sa mga mangingisda sa bayan.

Kabilang sa ipinamahaging tulong ang 20 yunit ng hook and line at isang 18-horsepower marine engine na inaasahang makatutulong sa pagpapalakas ng pangingisda at pagtaas ng kita ng mga benepisyaryo.

Pinangunahan ang aktibidad ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Municipal Agriculturist, kasama ang mga kinatawan ng BFAR Region I.

Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy ang koordinasyon sa BFAR upang masuportahan ang sektor ng pangisdaan at matiyak ang pangmatagalang kabuhayan ng mga mangingisda sa Agno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments