Thursday, April 30, 2026

Full alert status, itinaas ng PNP kasunod ng paggunita ng Labor Day; PRO7, mananatiling naka-full alert para sa aktibidad ng ASEAN

Mula sa heigtened alert status, itinaas na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang hanay sa full alert status para sa paggunita ng Labor Day.

Epektibo ang nasabing bagong status kaninang 12:01 ng madaling araw hanggang May 2 ng kaparehong oras.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, napagdesisyunan ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na mas maigi na itaas ang nasabing status para sakaling kailanganin ay mas maraming deployed na mga personnel.

Kaugnay nito, mananatili namang naka-full alert ang PRO7 hanggang 11:59 ng gabi ng May 10 para sa gagawing aktibidad ng ASEAN.

Nanatili namang nasa higit 100 libong PNP personnel ang ipapakalat para tumiyak ng seguridad sa Labor Day.

Facebook Comments