
Naglabas ng paglilinaw ang Southern Police District (SPD) hinggil sa viral incident na kumalat online nitong April 24, 2026, kaugnay ng multiple vehicle collisions sa Chino Roces Avenue sa boundary ng Taguig at Makati.
Ayon sa SPD, vehicular traffic accident ang nangyari at hindi robbery, hold-up, o road rage case.
Sa naturang video, makikita ang isang lalaking nagwawasiwas ng baril habang ang isa pa ay bumubutas ng gulong ng sasakyan.
Nagsasagawa na ang Makati City Police at Taguig City Police ng CCTV backtracking at follow-up investigation upang matukoy ang mga indibidwal na sangkot sa insidente.
Tiniyak naman ng SPD na agad na inareglo ng mga sangkot na partido ang mga biktimang naperwisyo sa aksidente.
Facebook Comments










