Thursday, April 30, 2026

Senado, pag-uusapan na ang paghahanda sa impeachment trial oras na iakyat na ng Kamara ang articles of impeachment laban kay VP Duterte

Pupulungin ngayong tanghali ni Senate President Tito Sotto III ang lahat ng mga senador bilang paghahanda na rin sa inaasahang impeachment trial.

Ayon kay Sotto, tatalakayin nila ang mga paghahanda na ilalatag ng impeachment court oras na i-transmit ng Kamara ang mga articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa Konstitusyon, iaakyat ng Kamara sa Senado na tatayong impeachment court ang mga articles of impeachment laban sa bise presidente at ang mga senador ang tatayong huwes na magdedesisyon kung guilty ba o hindi ito sa mga kaso.

Si Sotto ang tatayong presiding officer ng Senate impeachment court.

Bukod sa impeachment trial ay kasama rin sa tatalakayin ang mga panukalang batas na magiging prayoridad ng Mataas na Kapulungan.

Sa Lunes ay balik-sesyon na ang Kongreso matapos ang higit isang buwan na break.

Facebook Comments