
Tinatayang mahigit 3,400 bakanteng trabaho ang naghihintay sa Pinoy workers na nawalan ng trabaho dahil sa giyera sa Gitnang Silangan.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang mga makukuhang OFWs ay ide-deploy sa United States, Australia, New Zealand, Japan, Croatia, Slovakia, Lithuania, Czech Republic, Guam, at Papua New Guinea.
Bukod pa rin ang international vessels na kukuha ng mga manggagawang Pilipino.
12 Licensed Recruitment Agencies (LRAs) na binubuo ng 4 manning agencies at 8 landbased agencies ang lumahok sa job fair bukas na gagagapin sa isang mall sa Ortigas Center sa Quezon City.
Tiniyak naman ng DMW na lehitimo, ligtas, at de-kalidad ang mga trabahong ipamimigay bukas.
Facebook Comments










