Thursday, June 18, 2026

PLANONG PAGPAPALAKAS NG BARANGAY DISASTER RESPONSE SA DAGUPAN CITY, TINALAKAY

Isinusulong sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang paglalaan ng mga quick reaction vehicles at iba pang emergency response equipment para sa lahat ng 31 barangay sa lungsod, bilang bahagi ng pagpapalakas ng disaster preparedness ng lungsod.

Batay sa draft resolution na tinalakay noong Hunyo 15, binibigyang awtorisasyon ang alkalde ng lungsod na magpatupad ng mga deed of donation para sa pagdodonate ng mga rescue vehicles, garong, at iba pang kagamitang pang-emergency sa mga barangay.

Kabilang sa mga nakatakdang ipamahagi ang humigit-kumulang 100 garong, mga sasakyang pang-rescue, at mga motorboat na maaaring magamit sa panahon ng pagbaha at iba pang kalamidad.

Ayon sa Sangguniang Panlungsod, layunin ng panukala na palakasin ang kapasidad ng bawat barangay sa agarang pagtugon sa mga emerhensiya.

Alinsunod umano ang inisyatiba sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) plan na mapababa ang epekto ng mga sakuna sa antas ng barangay.

Inaasahang makikinabang ang lahat ng 31 barangay sa lungsod sa oras na maaprubahan at maipatupad ang naturang programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments