Nagpulong ang Local School Board (LSB) noong Hunyo 17 upang talakayin at aprubahan ang mga hakbang na layong mapataas ang kalidad ng serbisyong pang-edukasyon sa bayan.
Isa sa mga pangunahing tinalakay ay ang paghahanda para sa 2027 Special Education Fund (SEF) Budget, gayundin ang implementasyon ng bagong Three-Term School Calendar.
Tinalakay din ang mga pangangailangan sa pasilidad tulad ng pagkukumpuni ng mga gusali at pagtatayo ng karagdagang silid-aralan upang matugunan ang lumalaking bilang ng mga mag-aaral.
Tinalakay rin sa pagpupulong ang iba’t ibang programang pang-edukasyon at serbisyong panlipunan tulad ng pamamahagi ng gatas para sa mga mag-aaral, Summer Aral Program, at TUPAD na nakatutulong sa mga magulang at kabataan.
Inaprubahan din ang paglalaan ng 50 armchairs para sa mga paaralan bilang agarang tugon sa kakulangan ng upuan ng mga mag-aaral.
Sa kabuuan, tiniyak ng Local School Board na magpapatuloy ang pagpapatupad ng mga programang magbibigay ng de-kalidad at inklusibong edukasyon para sa lahat ng mag-aaral sa Bayambang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








