ILANG PROBLEMA SA PWESTO NG MGA VENDORS SA LOOB NG MALIMGAS PUBLIC MARKET, TUTUTUKAN

Ilang problema sa pwesto ng mga vendors sa loob ng Malimgas Public Market ang tututukan ngayon sa lungsod ng Dagupan matapos ang isinagawang paglilibot sa nasabing lugar.

‎Sa ibinahagi ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez, idinaing ng mga vendors ang umano’y matutulis na dulong bahagi ng stainless steel sa kanilang mga pwesto kung saan nilalagay ang mga tinda nilang karne.

‎Hirap din umano silang linisin ito dahil hindi umano nila malinis ang ilalim na bahagi dahilan upang magdulot ito ng hindi kaaya-ayang amoy.

‎Ayon sa alkalde, proyekto umano itong hindi natapos kaya’t kinakailangan na agad maaksyunan nang sa gayon ay tunay na maging malinis at maaliwalas ang mga pwesto sa loob ng nasabing palengke.

‎Iginiit din ng alkalde na hindi umano maaari ganito na lamang ang sitwasyon at nakatengga ang mga proyektong dapat sana ay matagal ng tapos. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments