PEST MANAGEMENT, ITINURO PARA SA MGA FISH GROWERS NG SAN FERNANDO CITY

Sumailalim ang upland tilapia growers at fishpond bangus growers ng lungsod ng San Fernando Community Fish Landing Center Marketing Cooperative sa training ng Integrated Pest Management (IPM) at iba pang Polyculture Systems sa Barangay Biday Food Terminal.
Hangad ng programa na makapagbahagi ng integrated farming system gamit ang smart farming technologies upang mapabuti ang kanilang produksyon at mapataas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda ng siyudad.
Nanguna ang City Agriculture sa naturang training kasama ang BFAR Region 1 at DA Region 1.

Magpapatuloy umano ang pagtulong ng lokal na pamahalaan sa sektor ng agrikultura sa lungsod upang mas mapaunlad ang kanilang pamumuhay. |ifmnews
Facebook Comments