CIDG, nasakote ang 4 na container vans na puno ng kontrabando

COURTESY: Criminal Investigation and Detection Group

Nasabat ng Criminal Investigation and Detection Group-Anti-Organized Crime Unit (CIDG AOCU) at Office of the Special Envoy on Transnational Crime (OSETC) ang apat na malalaking container vans na naglalaman ng smuggled goods sa magkakahiwalay na operasyon sa Parañaque, Valenzuela, at Bocaue, Bulacan.

Sa bisa ng tatlong search warrant para sa paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act, sinalakay ng mga awtoridad ang mga warehouse na pinagsususpetsahang taguan ng mga ipinuslit na produkto mula sa Port of Manila.

Ayon sa CIDG ang naturang mga container vans ay naglalaman ng mga maling idineklarang kargamento na may mababang halaga sa dokumento upang makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis.

Samantala, sinabi ni CIDG Director PMGen. Nicolas Torre III, na patuloy ang kanilang imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng iligal na aktibidad.

Facebook Comments