Tuesday, April 28, 2026

Gobyerno, nalagay sa kahihiyan matapos na bigong maibalik ng bansa si Zaldy Co

Walang dapat na ibang sisihin ang gobyerno kundi ang kanyang sarili matapos na bigong mapauwi ng bansa si dating Congressman Zaldy Co at makalaya mula sa kustodiya ng Czech Republic.

Ito ang sinabi ni Senate President Pro-Tempore Ping Lacson matapos na mawalan ng pagkakataon ang gobyerno na maisailalim sa kustodiya ang puganteng si Co.

Iginiit ni Lacson na ang kabiguan na kumilos ng mabilis matapos malaman ang pagkakadakip ng Czech authorities kay Co ay naglalagay sa pamahalaan sa kahihiyan.

Dahil dito, kailangang magdoble-kayod ng gobyerno para maibalik ng bansa ang dating kongresista hindi lamang para makabawi sa nangyaring kapalpakan kundi para ipakita na sinsero at seryoso ang pamahalaan na mapanagot si Co at ang iba pang kasabwat nito.

Balak pa naman sanang imbitahan sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee si Co oras na makauwi sa bansa kaugnay sa flood control scandal kung saan ang dating mambabatas ay itinuturing na arkitekto ng naturang katiwalian.

Facebook Comments