
Sasailalim ang contractor na si Curlee Discaya sa operasyon sa kanang balikat.
Si Discaya ay nakakulong pa rin hanggang ngayon sa Senado matapos na i-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon kay Senate Secretary Mark Llandro Mendoza, hinihintay na lamang ang clearance para makalabas si Discaya sa Huwebes para sa nakatakdang surgery.
Isang linggo aniya ito sa ospital at ibabalik agad sa Senado para dito na magpagaling.
Sinuri na rin ng in-house doctor ng Mataas na Kapulungan si Discaya para matiyak kung talagang kailangan nito ng operasyon.
Tumanggi naman si Mendoza na i-disclose o sabihin kung saang ospital dadalhin si Discaya dahil sa isyung panseguridad.
Bantay-sarado rin ng Senate Office of the Sergeant at Arms si Discaya at depende pa kung papayagan itong madalaw ng pamilya.










