
Tiniyak ng Malacañang na hindi maaapektuhan ng mga umiiral na isyung pulitikal sa bansa ang pagho-host ng Pilipinas sa 48th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders’ Summit sa susunod na buwan.
Ito ay sa gitna ng mga usapin kaugnay ng katiwalian at impeachment na kinasasangkutan ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan, kabilang sina dating House Speaker Martin Romualdez at Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, handa ang Pilipinas sa pagho-host ng summit at tuloy-tuloy ang paghahanda ng pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Nilinaw rin ng palasyo na hindi kabilang sa kasalukuyang preparasyon para sa summit ang bise presidente.
Idaraos ang ASEAN Leaders’ Summit sa Cebu sa Mayo 7 at 8, kung saan tatalakayin ang suplay ng langis at pagkain, kapakanan ng migrant workers, at epekto ng krisis sa Middle East.










