Mainit na sinalubong at binati sa Binmaley si Jaylen Margaret Bautista matapos nitong mag-uwi ng karangalan para sa bayan at sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Nagwagi si Jaylen ng Gold Award sa International Stage Music and Performing Arts Competition (ISMPAC) na ginanap sa Bangkok, Thailand noong May 2, 2026.
Tinalo niya ang iba pang kalahok sa Classical Ballet Ensemble category na isinagawa sa CP All Academy Theater. Kinilala si Jaylen sa kanyang ipinakitang husay, disiplina, at dedikasyon sa larangan ng performing arts.
Itinuturing din ang ISMPAC bilang isa sa mga prestihiyosong international competitions na dinadaluhan ng mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa.
Patunay ang kanyang tagumpay na kayang makipagsabayan ng mga kabataang Binmalenian sa pandaigdigang entablado, lalo na kapag nabibigyan ng sapat na suporta at oportunidad upang maipakita ang kanilang talento. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







