Wednesday, May 13, 2026

PBBM, malabong maharap sa ICC case tulad ni Duterte

Tiwala ang Malacañang na hindi matutulad si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sitwasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na iniimbestigahan ng International Criminal Court (ICC).

Pahayag ito ng Palasyo matapos sabihin ni Senador Ronald dela Rosa na dapat pag-isipan ng pangulo ang pagbibigay sa kanya ng proteksyon dahil posible rin itong humarap sa kaparehong kaso balang araw.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, walang kaugnayan si Pangulong Marcos sa umano’y extrajudicial killings o EJK na sentro ng imbestigasyon ng ICC sa madugong war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Nauna nang humiling si Dela Rosa ng proteksyon mula sa Pangulo tungkol sa ICC arrest warrant, bagay na handa namang ibigay ng pamahalaan basta’t naaayon sa batas.

Facebook Comments