LIVESTOCK OWENRS SA BRGY. ARISTON WEST, ASINGAN, PINAG-IINGAT SA UMANO’Y NAKAWAN NG ALAGANG HAYOP

Pinaalalahanan ang mga nag-aalaga ng hayop sa Brgy. Ariston West, Asingan kaugnay ng mga naiuulat na insidente ng umano’y pagnanakaw ng mga alagang hayop tulad ng baka, kalabaw, kambing at iba pa.

Pinayuhan ang mga residente na ilagay sa mas ligtas na lugar ang kanilang mga alaga lalo na tuwing gabi o kapag walang nagbabantay upang maiwasan ang posibleng pagnanakaw.

Hinikayat din ang mga livestock owners na tiyaking maayos ang kulungan at regular na nababantayan ang kanilang mga alagang hayop bilang dagdag na seguridad.

Kasama rin sa paalala ang pakikipag-ugnayan sa mga kapitbahay at barangay upang mapalakas ang pagbabantay sa komunidad at agad na mai-report sa awtoridad ang anumang kahina-hinalang kilos o indibidwal sa lugar.

Ayon sa barangay, mahalaga ang kooperasyon at pag-iingat ng bawat residente upang maprotektahan ang kabuhayan at pinaghirapan ng mga nag-aalaga ng hayop sa bukid. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments