Nasawi ang isang 83-anyos na lola matapos mabangga ng isang sasakyan habang tumatawid sa national highway sa Brgy. Guiguilonen, Mangaldan, Pangasinan, madaling-araw ng Linggo, Mayo 17, 2026.
Batay sa paunang imbestigasyon, binabagtas ng SUV ang kalsada nang mag-overtake umano ito sa isang motorsiklo at nabangga nito ang pedestrian na noon ay tumatawid ng highway.
Dahil sa lakas ng impact, tumilapon at bumagsak sa sementadong kalsada ang biktima at nagtamo ng matitinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Hindi naman nasugatan ang driver ng sasakyan at kasama nitong pasahero ngunit dinala pa rin sa pagamutan para sa kaukulang pagsusuri.
Samantala, nagtamo rin ng pinsala ang naturang sasakyan at kasalukuyang nasa kustodiya ng Mangaldan Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







