VIRAL NA PAGSASAYAW NG MGA TURISTA SA NATIONAL HIGHWAY SA LA UNION, INAKSYUNAN ‎ ‎

Naglabas ng pahayag ang Police Regional Office 1 kaugnay ng viral na video sa social media na nagpapakita ng mga turistang sumasayaw sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Urbiztondo, bayan ng San Juan, La Union. ‎ ‎

Ayon sa PRO 1, naganap ang insidente bandang ala-1:00 hanggang ala-2:00 ng madaling araw noong May 10, 2026, sa labas ng isang convenience store sa nasabing lugar. ‎

Agad namang umaksyon ang mga nakatalagang pulis sa lugar upang patigilin ang aktibidad at maiwasan ang posibleng aksidente, matinding trapiko, at panganib sa kaligtasan ng publiko. ‎ ‎

Sa kabila ng insidente, sinabi ng PRO 1 na walang naiulat na nasugatan o napinsalang ari-arian matapos ang mabilis na pagresponde ng mga awtoridad. ‎ ‎

Bagama’t suportado umano ng PRO 1 ang masiglang turismo sa La Union, iginiit ng ahensya na hindi maaaring isantabi ang kaayusan at kaligtasan sa mga lansangan. ‎

Paalala rin nila na ang mga hindi awtorisado at mapanganib na aktibidad sa national roads ay maaaring magdulot ng panganib sa buhay at paglabag sa batas-trapiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments