GUINNESS | Mga atleta sa isang college school sa Kansas City, nakasungkit ng bagong record

Missouri – Ikinatuwa ngayon ng mga atleta sa county community college sa overland park sa Kansas City ang nakuha nilang titulo sa Guinness World Record.

Nasungkit nila ang record na fastest marathon distance relay kung saan 60 atleta ang siyang lumahok sa nasabing event.

Nabatid na bawat isa sa kanila ay tumakbo ng 200 meters ay kanilang natapos ang marathon sa loob ng 1 hour, 30 minutes at 40.316 seconds.


Tinalo nila ang dating record ng Japan noong 1998 na may 1 hour at 38 minutes.

Facebook Comments