
Siniguro ng Malacañang na paiiralin ng pamahalaan ang batas at titiyakin ang hustisya sa pagpapatupad ng arrest warrant ng International Criminal Court o ICC laban kay senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, malinaw sa naging pahayag ng Department of Justice na enforceable o maaaring ipatupad ang warrant laban sa senador.
Dahil dito, inaasahang kkilos aniya ang gobyerno ayon sa umiiral na batas at gagawin ng mga opisyal ang lahat upang matiyak na maibibigay ang hustisya sa lahat.
Nauna nang inatasan ng DOJ ang Philippine National Police o PNP at National Bureau of Investigation o NBI na ipatupad ang arrest warrant.
Kasunod ito ng naging desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang hiling ni dela Rosa na temporary legal protection laban sa posibleng pag-aresto.










