
Isinulong ni Nueva Vizcaya Representative Timothy Joseph “Tim” Cayton ang House Bill No. 9331 o panukalang batas na mabigyan ng dagdag na suporta ang mga kawani ng gobyerno sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, kuryente, gasolina, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Target ng panukala na amyendahan ang Personnel Economic Relief Allowance (PERA) ng mga empleyado ng gobyerno at itaas ito sa ₱9,000 kada buwan mula sa kasalukuyang ₱2,000.
Sakop ng panukala ang mga regular, casual, contractual, appointive, at elective government employees na nasa ilalim ng Compensation and Position Classification Act.
Ayon kay Cayton, dapat mapalakas ang suporta para sa mga guro, nurse, pulis, sundalo, kawani ng mga lokal na pamahalaan at iba pang patuloy na nagsisilbi sa bayan sa kabila ng lumalaking gastusin sa araw-araw.










