Monday, May 18, 2026

Senate Sergeant-at-Arms Aplasca, dapat mag-resign o tuluyang tanggalin sa puwesto

Iginiit ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila De lima na dapat mag-resign o tanggalin sa pwesto si Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca.

Ayon kay De Lima, nakita ang pagiging trigger happy ni Aplasca sa nangyaring kaguluhan sa Senado noong gabi ng Mayo 13 kung saan ilang magkakasunod na putok ng baril ang narinig.

Diin ni De Lima, dapat alam ni Aplasca na bawal ang warning shots sa rules of engagement.

Para kay De Lima, sa insidente noong Miyerkules sa Senado ay inilagay ni Aplasca sa peligro ang buhay ng maraming sibilyan.

Facebook Comments