
Dalawang lalaki ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa ng Taguig City Police.
Nakumpiska ang kabuuang halaga ng P488,000 ng pinaghihinalaang shabu.
Isang security guard, 29 na taong gulang, sa Barangay Maharlika Village sa Taguig City ang nahulihan ng 51.7 na gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P351,060.
Samantala, naaresto naman sa Barangay Rizal sa Taguig City ang isang 40 taong gulang na lalaking tricycle driver na nahulihan ng siyam na sachet ng pinaghihinalaang shabu na 20.2 gramo at nagkakahalaga ng P137,360.
Nasa kamay na ng Southern Police District Forensic Unit ang mga nakumpiskang shabu, at sasampahan ng kaso ang dalawang suspek ng Comprehensice Dangerous Drugs Act.
Facebook Comments