Friday, June 19, 2026

CAAP, pinatibay ang katatagan sa panahon ng “emergencies and natural disasters” sa pamamagitan ng paglahok sa earthquake drill

Tiyak na titibay at mas lalo pang magiging handa ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pamamagitan ng pagsali sa earthquake drill kahapon.

Ayon sa CAAP, ang pagsali ng kanilang mga empleyado sa earthquake drill ay para sa katatagan sa sakuna at pagpapatuloy ng operasyon sa mga tanggapan at pasilidad ng paliparan sa buong bansa.

Bahagi rin ito ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na palakasin ang kahandaan sa lindol at mga kakayahan sa pagtugon sa mga pampublikong institusyon at komunidad.

Binigyang diin ng CAAP ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kahandaan sa operasyon upang matiyak ang kaligtasan ng aviation at mabawasan ang mga pagkaantala sa mga serbisyo ng transportasyon sa himpapawid sa panahon ng mga emergency at natural disaster.

Sabay-sabay na sumali sa drill ang mga tauhan mula sa Central Office, Area Centers 1-12 at mga paliparan sa buong bansa at nagsagawa ng mga karaniwang protocol sa pagtugon sa lindol.

Kahapon lumahok ang CAAP sa 2nd Quarter Calendar Year 2026 Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).

Facebook Comments