
Dumarami na ngayon ang mga miyembro ng LGBTQIA+ ang nakakapag-adopt na ng bata mula sa National Authority for Child Care (NACC).
Umaabot na sa walong miyembro ng LGBTQIA+ ang nakapag-adopt na ng bata.
Ayon kay NACC head Gabriela Concepcion, bukod pa ito sa 20 approved application ng LGBTQIA+ members kung saan 14 dito ay may matched ng bata na maaaring ampunin habang anim naman ay pinoproseso pa sa ngayon.
Aniya, bago ang adoption, tinitingnan muna kung may bahay, kayang sustentuhan ang bata na nais ampunin.
Sa adoption, magiging legal na anak ang inampon, magagamit nito ang apelyedo ng umampon at may karapatan na makakuha ng mana sa mga ari arian at yaman ng umampon.
Sinabi naman ni Concepcion na kung nais naman ay fostering care lamang, maaaring hindi ipagamit ang apelyedo ng umampon, at hindi makakatangggap ng mana mula sa umampon pero may P8,000 allowance na ipagkakaloob sa umampon para magamit sa pangangailangan ng bata.










