Thursday, July 30, 2026

Sen. Estrada, hiniling sa Sandiganbayan na payagan siyang makapagpiyansa para sa kasong plunder

Naghain ng ‘petition for bail’ ang kampo ni Senator Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan 5th Division para sa kasong plunder, noong Miyerkules, July 29.

Ito ay may kaugnayan sa umano’y kinasasangkutan ng senador sa mga anomalya ng flood control kickback

Mariing iginiit ng kampo ng senador sa nasabing mosyon na wala umanong matibay na ebidensya na nagpapakita ng pakikipagsabwatan niya sa kanyang mga kapwa akusado sa nasabing kaso.

Matatandaang nauna nang ibinasura ng korte ang hiling ng senador na makapagpiyansa noon para sa parehong kaso dahil premature pa umano ito.

Facebook Comments