MRT-3, humingi ng pang-unawa dahil sa kakulangan ng magagamit na beep card sa pagsakay sa mga tren

40

Humihingi ng pang-unawa ang pamunuan ng MRT-3 sa mga pasahero hinggil sa dinaranas na kakulangan ng magagamit na Stored Value Card o Beep Card na ginagamit sa pagsakay sa MRT-3, LRT-1 at LRT-2.

Naghahanap ng ibang mapagkukunan ng supply ng beep cards ang AF Payments Inc. (AFPI) makaraang magkaproblema sa paggawa ng electronic chips na nakapaloob sa mga beep card.

Pinapayuhan ng MRT-3 ang mga pasaherong may hawak na beep cards na ingatan ang mga ito samantalang maaaring makabili ng single journey ticket sa mga ticket booth at mga ticket vending machine sa piling istasyon ng tren.


Facebook Comments