
Kinalampag ni Senator Robinhood Padilla ang pamahalaan na sa halip na space rocket ay mas unahin ng administrasyon ang pagkakaroon ng bullet train.
Sa State of the Nation Address (SONA) ng pangulo ay binanggit niyang nakatakda ang Pilipinas na mag-launch ng space rocket sa 2027 katuwang ang aerospace company sa South Korea.
Sa Kontra-SONA ng oposisyon, iginiit ni Padilla na suportado naman niya ang mga ganitong ambisyon sa space technology pero mas dapat na unahin ang pagkakaroon ng bullet train ng bansa.
Bukod dito, inihirit din ng senador na bigyang-prayoridad ang mapagkukunan ng enerhiya sa mga malalayong probinsya tulad ng pag-decentralize o pag-devolve ng ilang aspeto ng energy development.
Binanggit ng mambabatas ang madalas na brownout sa Bicol at Camarines Norte na matagal nang isinusulong ang pagtatayo ng sariling power plant subalit mula 2014 hanggang 2026 ay hindi pa rin natatapos ang mga kinakailangang proseso.










