
Iginiit ng House Prosecution Panel na malinaw na nilabag ni Vice President Sara Duterte ang Konstitusyon, nakagawa sya ng graft and corruption at pinagtaksilan nya ang tiwala ng mamamayan kaya dapat syang ma-impeach.
Sinabi ito ni House Prosecutor Rep. Leila de Lima sa kanyang opening statement sa Impeachment trial bago ang presentation ng mga ebidensya at testigo para sa unang article of impeachment.
Patungko ito sa umano’y maling paggamit sa P612.5 million na confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
Pero hindi na natapos ni De Lima ang kanyang opening statement matapos katigan ni Impeachment Court Presiding Officer Senator Chiz Escudero ang obserbasyon ng Depensa na may kasamang konklusyon ng mga facts at mga kaukulang batas ang kanyang mensahe.










