
Ibinabala ni Senator Imee Marcos na posibleng maging national security at constitutional issue ang pagtatayo ng Pax Silica project sa bansa.
Sa ginanap na pagdinig sa Senado, sinabi ni Sen. Imee na suportado naman niya ang layunin ng proyekto na paglikha ng maraming trabaho at pagpapasigla ng ekonomiya.
Gayunman, nangangamba ang senadora sa magiging joint venture sa pagtatayuan ng Pax Silica na 1,619 na ektarya ng lupain sa loob ng 99 na taon, na posible pang palawigin.
Nababahala si Marcos sa posibleng kahinatnan ng mga magsasaka at katutubo dahil sa sobrang tagal at nasa P300,000 lang ang kabayaran para sa unang limang ektaryang bibilhin ng gobyerno dagdag pa ang panganib na pwedeng idulot ng proyekto sa kalusugan at kalikasan.
Facebook Comments










