
Muling itataas sa yellow alert status ang Visayas grid ngayong araw.
Ang yellow alert ay itinataas kapag mas mababa ang suplay ng kuryente kaysa sa karaniwan dahil sa pagnipis ng mga reserba.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang yellow alert ay magsisimula dakong ala-5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi mamaya.
Ang dahilan ng yellow alert ay dahil sa force outage sa walong planta ngayong Agosto.
Noong Hulyo isang planta ang pumalya, tatlo noong June, pito noong May, isa noong March, tatlo noon pang 2025, dalawa noong 2024, dalawa noong 2023 at isa noong 2021.
Ang 13 planta naman ay gumagana pero limitado lamang ang kapasidad.
Kasama pa sa mga dahilan ng yellow alert ang hindi gumaganang large coal plants TVI 1 at TVI 2 ng Visayas at ang limitadong power import mula Mindanao dahil sa maintenance outage ng GNPK 2.
Samantala, ang Luzon at Mindanao grid ay nasa normal namang kondisyon.










