Saturday, August 15, 2026

Panukalang 2027 budget, anti-poor at anti-people ayon sa isang lider ng minorya sa Kamara

Para kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, anti-poor at anti-people ang 2027 National Expenditure Program na isinumite sa Kongreso ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay Tinio, hindi binigyang prayoridad sa panukalang 2027 national budget ang mga dapat tutukan tulad ng social services lalo na ang mga serbisyo sa mamamayan sa sektor ng edukasyon, kalusugan at pabahay.

Dismayado si Tinio na hindi ang taumbayan ang mas binigyang priyoridad ng administrasyon sa pagbuo ng pambansang pondo kundi ang mga proyektong pabor sa korporasyon at militar.

Tinukoy ni Tinio ang dagdag o mas malaking alokasyon para sa Pambansang Pulisya at war machinery ng militar gayundin ang lomobong pondo para sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kabilang ang para sa Flood Control Program.

Higit sa lahat, binatikos ni Tinio ang pagtaas ng budget para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na aniya’y patuloy ang paglabag sa mga karapatang-pantao.

Facebook Comments