
Iginiit ni Senator Ping Lacson na dapat may continuity sa mga susunod na administrasyon ang binubuong flood control master plan.
Napuna ng senador na kadalasan ay isinasantabi ng susunod o pumalit na administrasyon ang mga master plan na ginawa ng mga nauna sa kanila.
Idiniin ng senador na ang maayos na flood control master plan ay dapat may continuity at multi-administration kahit pa magpalit ng pamahalaan.
Sinabi ni Lacson na maaaring i-modify o mag-adapt sa bagong sitwasyon depende sa pagbabago ng panahon pero dapat ay nariyan pa rin ang basic master plan kung papaano tutugunan ang problema ng pagbaha.
Tinukoy ng mambabatas na noong administrasyong Aquino ay may binuo si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson na flood control master plan na mas matipid, systematic at makapipigil ng baha subalit pagdating ng Duterte administration ay nabalewala na ito.
Nabasura aniya ang plano at ganito na ang nangyari sa mga pumalit na naging kanya-kanya ang plano.










