DOH, nanindigang wala pang local transmission ng monkeypox virus sa bansa

119

Nanindigan ang Department of Health (DOH) na wala pang local transmission ng monkeypox virus sa bansa.

Ito ay bagama’t walang travel history ang ika-apat na kaso ng monkeypox na taga-Iloilo.

Wala ring balak ang DOH na magrekomenda ng lockdown sa Iloilo.


Ayon sa DOH, ang close contacts ng ika-apat na kaso ay sumasailalim na sa kanilang monitoring at mahigpit na quarantine, maging ang pasyente upang makontrol ang transmission.

Umiiral din anila ang preventive measures ng DOH laban sa monkeypox.

Facebook Comments