MAHIGIT 3,000 MAGSASAKA SA INFANTA AT ASINGAN, NAKINABANG SA MGA PROGRAMANG PANG-AGRIKULTURA

Mahigit 3,300 magsasaka sa Pangasinan ang nakinabang sa magkahiwalay na programang pang-agrikultura ng pamahalaan sa mga bayan ng Infanta at Asingan.


‎Sa Infanta, mahigit 1,000 magsasaka ang tumanggap ng Hybrid at Certified Palay Seeds. Kabilang dito ang 443 magsasakang nakatanggap ng 1,280 sako ng certified seeds at 641 magsasakang nabigyan ng 5,000 pakete ng hybrid seeds upang mapataas ang produksyon ng palay at kanilang kita.


‎Samantala, 2,283 magsasaka sa Asingan ang nakatanggap ng tig-₱2,325 na ayuda sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk (PAFF) Program bilang dagdag-suporta sa kanilang kabuhayan at mga pangangailangan sa pagsasaka.


‎Ayon sa mga lokal na pamahalaan, bahagi ang mga programang ito ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang sektor ng agrikultura at suportahan ang mga magsasaka sa lalawigan.‎ | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments