Monday, June 15, 2026

Mga senador, walang sapat na bilang para ma-impeach si VP Sara ayon sa ilan nating kababayan

Hindi mako-convict si Vice President Sara Duterte sa impeachment case na tatalakayin ng Senate impeachment court at magkakaroon na ng pre-trial conference sa June 18.

Ang apat na articles of impeachment laban sa bise presidente ay kinabibilangan ng P612.5 million confidential funds, hindi maipaliwanag na kayamanan, bribery, at grave threats laban sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Naniniwala si Warren Castillanes na mahina ang mga ebidensiya laban sa bise presidente.

Dagdag nito, wala ring sapat na bilang ang mga senador para ma-impeach ang vice president.

Sa pananaw ni Noel dela Cruz, matatagalan pa ang impeachment ng pangalawang pangulo lalo na’t magulo at hindi nagkakasundo ang mga senador sa ngayon.

Pero para sa kanya, mahina ang impeachment complaint laban kay VP Sara.

Samantala, ilan naman sa ating mga kababayan na shy sa camera at natatakot daw ma-bash, dapat at maimpeach ang pangalawang pangulo lalo na’t wala itong nagagawa sa bansa.

Panay daw ang out of the country nito at hindi na natututukan ang kanyang trabaho.

Hindi rin daw niya kayang humarap sa mga pagdinig noon sa Kamara para ipaliwanag ang mga alegasyon laban sa kanya kaya’t nararapat na matanggal ito sa puwesto.

Facebook Comments